Sunday, July 25, 2004
Ang dami ko pang gagawin. Magbabasa pa ko ng 70+ pages para sa Rels para gumawa ng isang ONE page reaction paper, babasahin ko pa rin ng "My Brother, My Executioner" para sa Litera1, tapos mag-aaral pa ko para sa Stat quiz namin sa Wednesday. *sighs* Pero ano ginawa ko kagabi? Nagvideoke at nagwala sa party ni Aimee!!XD
Hindi ako nagrereklamo of course. The skip was all worth it kasi nag-enjoy naman ako tapos nakapagbonding pa kami with--of all people!XD--Sir Mina!! Hehehehehe...si Aimee kasi MOCC dati so medyo close sila ni Sir, tapos si ND naman, yung friend namin sa ROTC, friend din niya si Sir, so andun din siya sa birthday party ni Aimee kagabi.^^ Nung una medyo akala ko tahimik lang kami, nasa table kami kasama ni Kat, ND tsaka ni Sir Mina, kaming tatlo nina Denise at Charleen na lang siguro ang akala naming mag-uusap-usap as usual. But no, hindi ho nangyari yon!^^
Siyempre, bilang Model at dahil andun ang makalog naming Marcher na si Kat, kasama si ND at si Sir Mina, medyo lang talaga, walang patig ang tawanan buong gabi. Siguro nagsimula nung dinner na mismo, nung naglabas sila ng isang malaking plato ng alimango. Patay! Gusto nina Den at nina Sir yun! Hala sige kain sila...tapos lumabas nanaman ang kaguluhan ni Charleen nung hindi niya mabuksan yung mga crab pieces na kinakain niya. Nilalagay niya sa table para icrack, tinatamatamaan ng kutsara at tinidor, tinutoothpick at halos mamatay sa tawa si Sir Mina at kaming lahat.XD Grabe, comedy talaga si Charleen pag di siya nagjojoke!XD
Tapos ayun, marami pang kalokohan ang nangyari. Highlights e yung pagkuha ng charms galing sa cake (pangbabae lang yun pero si Sir Mina din kumuha!XD Di niya alam na ganun pala yun! NAMULA siya grabe!XD Pero ang daya...maganda yung charm na nakuha niya...), ang 18 candles (si Sir Mina din nakasama [kahit lalaki siya..XD] tapos kami rin nina ND, Kat, Denise at Charleen....na may kasamang mga balloon na nakatali kung saan saan sa katawan namin) at nung videoke na kung saan lahat kami bumanat (oo, pati si Sir Mina ^_~) ng kanta ng E-heads at Parokya. Tapos siyempre di mawawala yung girl na may SECRET crush daw kay Sir Mina na halos pagtulak-tulakan sa kanya. Kablockmate siya ni Aimee tapos sabi ni Sir suplada daw siya pag-RO...*snigger* Kaya pala suplada...XD
So ayun, basta masaya, kahit na lumabas na ang pagkaparanoid at utak-matanda ko nung ininsist ko na wag kaming maglakad-lakad sa labas kasi hindi pa kami 18 nina Denise at baka kami mahuli. E hello?! Totoo naman e! Ayoko mahuli no! Tapos si Sir hinatid pa namin ng konti nun...Medyo nakakahiya...Ehehehehe...Di naman kasi kami ganoong kaclose kahit na napatawa namin siya buong gabi.
Hehe, sa mga RO peeps, atin-atin na lang tong mga nangyari dito ha?^^ Baka kasi mayari ako kay Sir e. Lalo na ngayong alam na niya kung sino kami...Grabe, tinanong niya sakin kung asan daw salamin ko nung di ko sinuot! Kita talaga e no?? Well...sabagay...Ang grupo nga naman namin ang magulo sa Model...XP
At yan...nakaupdate na ko.^^ Ehehehehehe...
leaving skool skycatcher at 9:54 AM [comment]
***
Sunday, July 18, 2004
*humming*
^_____________^
ANDITO SI WALLACE HUO!!!!!!!!! *SQUEEEEEEEEEEEEEEEAL* ANG GWAPO-GWAPO NIYAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! Kahapon pa ko tili nang tili.^^;;;;
Ahahahahahaha...wala lang.^^ Kailangan ko lang ilabas.
Ehehehehehehehehe....Wala lang ulit.^^
You're welcome, Bom. Testi ko rin a. ^_~
leaving skool skycatcher at 7:48 PM [comment]
***
|
|